brain salad

eto ang pinaghalo-halong ideya, pilosopiya, pananaw at kung anu-anong basura pang nilalangaw sa utak ni jon hindi mo kailangang sumangayon welcome kang kumontra maraming salamat sa pagsasayang ng oras


November 20th, 2008

8 track

Kahapon pa ako nagiisip ng mapagkakaabalahan.. wala naman akong maisip kaya stuck na naman ako sa bahay.... wala akong nagawa sa dalawang gabi kong dayoff, nakakainis isipin pero wala naman akong magawa... Talagang amboring na ng buhay ko.. Sinubukan kong magpinta kaso tinamad ako at hanggang pagiisip lang ng idea ang inabot ko... hindi ko man lang nagawang ilabas ang canvas at mga pintura... binalak ko ring magpatugtog, para lang matigilan sa harap ng cd rack at maghanap ng album na babagay sa batugan kong araw... halos isang oras at kalahati din akong tumingin ng mga cds ko. Kaso parang andaming nawawala.. at nadiskubre kong konti lang ang cd kong tagalog... saka ko naisip nasan na kaya yung mga album ko...

Elementary ng magsimula akong maadik sa musika... 1993.. kainitan ng tunog kalye... eraserheads ang hari sa buong bansa.. buhay na buhay ang musikang bato sa pilipinas.... naglipana ang mga pankista.... tandem sa recto ang the place to be.. at least para sa akin at sa mga iba pang kabataang bihag ng tunog kalye... 8 track tapes ang umuubos ng pera ko nung panahon na to.. mga 8 tracks na ngayon ay hindi ko na maalala kung nsaan.. nakakapanghinayang isiping hindi ko man lang naitabi ang mga kayamanan kong iyon... kaya naman parang andami kong nawawalang albums... kulang ang catalog ko... syempre andyan pa rin ang nirvana, ang pearl jam, ang guns n roses, ang metallica, stp,the clash, sex pistols, 2pac,run dmc, beastie boys, at iba pang mga album na para sa akin ay classics na... pero kulang pa rin, kulang sa ugat... kulang sa puso.. yung punla na nagsimula ng lahat... tunog kalye.. oo meron akong mga album na tagalog. pero wala pa ring papalit sa mga album na gaya ng cutterpillow, sa circus,sa sticker happy, sa semenelin. Wala pa ring papalit sa yano,sa the youth,sa teeth, sa orig na rivermaya, sa datus tribe, sa the wuds, sa phil. violators, sa tame the tikbalang, sa color it red, sa the dawn, sa panahon na halos araw araw akong naglalakad papuntang tandem para lang tumingin tingin ng album. sa panahon na tinitipid ko ang karampot na baon para pag dating ng biyernes ay may mabili akong 8 track. Sa panahon na halos araw araw kung pinangarap pumuntang club dredd. Sa unang beses kung pumuntang oktoberfest sa payanig sa pasig. sa unang blackeye kung nakuha sa moshpit.wala pa rin papalit sa mga panahon na yun.. kung sana naitabi ko lang yung mga 8 track ko.. kahit sandali mababalikan ko yung mga panahon na yun... sayang

 

Posted by jondoromal at 02:28 PM | cge ikaw naman!!

November 12th, 2008

usok sa utak

Hindi ko na maalala ang eksaktong date nung huli akong bumili ng sigarilyo. Masarap sa pakiramdam at masaya rin sa bulsa. Tunay na acheivement para sa akin... Dahil pagkatapos ng halos 10 taon kong paninigarilyo ay natigil ko ng ganun ganun lang... Cold turkey. Will power lang tsaka disiplina. Syempre nakatulong din na walang nagyoyosi sa paligid ko. Kaya nga sobrang proud ako at nagawa kong itigil yung bisyo ko.. Mahirap sa una lang.. Pero kung iisipin mo naman talaga hindi rin naging ganun kahirap.. walang mga panginginig o mga kung anumang withdrawal symptoms ng adik. pinakaepekto lang siguro sakin mood swings tsaka yung focus na agad namang bumalik matapos ang ilang linggo. Hindi ako nagmamagaling, proud lang ako...

Kung binabasa mo to ngayon siguro naiisip mo.. Bat ko naman biglang naisipang magblog tungkol sa limot kong bisyo.. Ok simulan natin ang kuwento...

 Masama ang pakiramdam ko ngayon.. Barado ang ilong, parang sinusunog ang lalamunan, masakit ang ulo... Siguro dala ng 4 na oras kong pagsusuka... Nagising na lang ako kaninang umaga na biglang nasusuka. Badtrip, at nakapagtataka... Hindi naman ako inaatake ng migraine ko (na madalas dahilan ng pagsusuka ko). Kung meron man napakaliit lang. So napaisip ako kung anong pwedeng dahilan.... Wala naman akong kinain bago matulog bukod sa hot and spicy na century tuna at kanin. Pero naalala ko ring medyo weirdo yung lasa ng tuna. Medyo may katamisan. Expired?? Food Poisoning? Tuloy ako sa pagsusuka...

Matapos ang 2 oras full blown na ang migraine ko... Badtrip ngayon kaaway ko na lahat. lalo na ilaw at ingay... badtrip na talaga... tuloy ako sa pagsuka. So tuloy ako sa pagiisip, syempre gusto kong idiagnose muna ang sarili bago uminom ng gamot. Pwedeng trangkaso! tama trangkaso... Kasi kaninang umaga bago umuwi nilagyan ko ng gas ang sasakyan ko at chineck at hinanginan lahat ng gulong... Malamig sobra, feeling ko lumutong yung mga tenga ko... Pero teka.. wala nga pala akong quarters so naisipan kong magpapapalit... Saka ko naalala. bumili akong yosi!!... Oo tama yosi ang matamis na usok na akala koy nalimot ko na... Ewan ko kung instinct o subconcious pero naalala ko na lang na nagsindi ako ng yosi, nanigarilyo at pagkatapos ng ilang hithit ay tinapon ang sigarilyong halos nangalahati rin.. Yosi nga... ang salarin.. ang usok na tila lason na sa aking sistema... Kung may natutunan ako sa pagtigil sa pagyoyosi...yun ay pag tumigil ka ng matagal, malilimutan ng utak mo kung gano kasarap lumanghap at humithit ng usok na puno ng kemikal na nagdadala ng kanser. Tila magigigising ang utak mo sa matagal na pagkakabrainwash. Maililimutan ng sistema mo kung paano tanggapin ang mga kemikal na dapat naman ay wala dun... Kaya ako eto nabigyan ng isa, Pinaparusahan ng sarili kong sistema. Marahil pinaramdam lang ng utak ko kung ano talaga ang dala ng matamis na usok.... Naisip ko tuloy bat ba ako nagsimulang manigarilyo??? Nung una ang alam ko curiousity lang.. tapos naging madalas kasi feeling ko cool ang dating.. Parang patok. Hanggang sa naging ugali ko ng manigarilyo pag busog at nagbabanyo... hanggang sa naging bisyo na.. pag walang magawa sindi, pag gutom sindi, pag aalis ng bahay sindi, pagkadating sindi, pagkagising sindi, bago matulog sindi... Full blown bisyo. Buti na lang talaga natigil ko at hindi na ako hawak sa leeg ni mang boro. Malaya na ako.. kaya binatukan ako ng utak ko para ipaalala kung gaano kasama ang ligayang dala ni mang boro. Kaya eto ako minamigraine, lalabas para itapon ang isang kahang yosi (minus 1). Pero napaisip ulit ako... hindi kaya food poisoning or trangkaso?? Sumuka ulit ako. Nah i dont think so :D

Posted by jondoromal at 03:37 AM | 1 ang pumalag

November 6th, 2008

New day for a new world

Medyo may amats pa ko galing sa ininom kung jack daniels kagabi.... Pero masarap ang pakiramdam ko ngayon... hindi masakit ang ulo, pero medyo nakikiliti pa rin ang utak ko sa latak ng alkohol na ininom ko. Maaga rin akong nagising dahil maaga akong nakatulog. Napagod ako sa baby shower na pinuntahan namin. Solid na naman ang mga regalo sobrang dami ng gamit para sa baby. Mabilis na lumilipas ang panahon, isang buwan na lang. Solb ang tulog ko medyo may katagalan na rin akong nakatulog ng ganun kahimbing kaya masarap ang gising ko.. relax... handang handa para sa bagong umaga...

Bagong umaga.... Isang taon mahigit ang lumipas ng magsimula ang kampanya para sa pagkapangulo ng bansang to.... at gaya ng politika kahit saan, napakagulo, napakatagal, napakadumi, at napakaplastic ng mga araw na nagdaan... Ilang libong pilit na ngiti at kamayan ang naglipana sa buong bansa. Ilang maduduming paninira at mga propaganda ang makikita sa mga tv at radio.. Ilang diskuyunan at debate ng mga kanya kanyang kuro kuro at plataporma na rin ang walang sawang pinakinggan ng mga tao. Kaya napakagaan ng pakiramdam na tapos na ang lahat. Pagasa, pagbabago yan ang pangunahing sigaw ng susunod na pangulo ng america nung magsimula syang mangampanya. Pangako ng isang bagong mundo na tila inaasam ng lahat ng tao dito sa america.. Malaki ang naging damage ng walong taong pagkakaupo ni bush.. Lahat ay pagbabago ang sigaw. Lahat ay tila nawawalan na ng pagasa... Naging brutal ang daang tinahak ng mga nangangampanya para sa puwesto... madumi, walang santuhan, dog eats dog. Kaliwat kanan ang batuhan ng kasiraan ng bawat kampo. walang tigil na putukan sa giyera ng mga salita. At ng matapos lahat ng gulo at nawala ang usok masaya ako sa taong natirang nakatayo at magiging pangulo.

Barack Obama... pangalan pa lang alam mo ng bago, kakaiba, sariwa. Siya ang naging simbolo ng pagasa at pagbabago. Bagong klase ng politika ang dala ng kanyang kampanya. Simbolo na handa na ang amerika sa pagbabago. Nawala ang traditional na pangangampanyang nakasanayan ng lahat. Kaya maraming tao ang nabuhayan ng loob. Historical din dahil sa unang pagkakataon ay mayroong taong hindi puti ang balat na tatakbo at maaring mamuno sa pinakamakapangyarhang bansa sa mundo. Ang buong mundo ay nanuod, at iisa lang ang tanong ng bawat isa, handa na nga ba ang amerika para sa itim na presidente. Halo halo ang mga naging sagot.. Napansin kong may mga taong hindi, at meron namang tila nagbabago ang isip dahil sa impact ng walong taong pamumuno ng partidong GOP. makikitang sobrang sawa na ang mga tao sa mga republican. Isang katibayan ay ang nagdaang eleksyon ng mga gobernador na dinomina ng mga democrat. Pero sa kabila ng lahat ang tanong ay nananatili. Handa na nga ba ang america?? Sabi nga ni D.L. Hughley isang komedyante, "Sure.. we just had a retarded one". Pero hanggang sa huling mga sandali tila hati pa rin ang buong bansa.

Nobyembre 4... Nasa trabaho ako ng magbukas ang botohan at bumoto ang unang city. sa dixonville notch N.H. at pagkatapos ng ilang minuto panalo si obama 6-15 magandang simula. Paguwi ko sa bahay at bago tuluyang natulog naisip ko ano na kaya ang mangyayari... Alas 10 ng magising ako. limot ang eleksyong kasalukuyang nangyayari pumasok ako sa trabaho. Naalala ko na lang ng makitang nagsasalita si Mccain sa podium sa kanyang campaign headquarters. Kinabahan ako sa buong pagaakalang nanalo sya. Taimtim kong pinakinggan ang bawat salita nyang sinabi... Nagcoconcede na siya... Hindi pa tapos ang bilangan pero landslide na ang bumoto kay Obama... Sobrang natuwa ako. dahil para sa akin ay isang malaking inspirasyon si Obama. Siya ang patunay na lahat pwedeng mangyari sa bansang ito. Siya ang patunay na lahat ng pangarap ay kayang marating kung pagsisikapan at pagiisipang mabuti. Siya ang aking american dream. Siya na ang bagong mukha ng america. Isang lider na handang makinig kaninuman sa mundo... Isang nilalang na tumatawag ng respeto hindi dahil sa lakas at pagkaarogante. Dala niya ang pagkapanatag ng loob ng karamihan. 40 na taon pa lang ang nakalipas ng pagdebatehan kung bibigyan ba ng karapatang bumoto ang mga itim dito. At eto ngayon at itim ang pangulo ng bansa.. Handa na ang bagong amerika.... Isang bagong umaga para sa bagong mundo... Pagasa.

Posted by jondoromal at 09:25 AM | cge ikaw naman!!

October 24th, 2008

Oh ang tao nga naman....

Wala akong magawa... ilang oras na akong nakatambay dito sa internet... burat pa rin ako. Kaya naisipan kong bisitahin ang aking blog. Nakakatuwang isipin na merong parte ng utak kong pakalat kalat na nakalutang sa cyberworld. Halos lahat ata ng tao ngayon merong sariling mundo sa internet. Siguro parte lang to ng pangangailangan ng taong makipagusap, o baka naman talagang kailangan lang ng taong makapaglabas ng nararamdaman minsan. Kung iisipin matagal ng nauso ang diary, pero ngayon lang nausong ipangalandakan sa buong mundo ang bwat detalye sa buhay. Nawala na ang mystic ng diary, kasi ngayon anytime pwede kang pumunta online at basahin ang buhay ng isang taong hindi mo man lang kilala. Hindi lang yun pwede ka pa magcomment. Hindi ko naman sinasabing masama to, pero kung iisipin mo, medyo nakakahiya na rin minsan. Hindi ako nagsesermon at nagmamalinis dahil eto ako at nagtatype ng iniisip ko ngayon.. gaya nga ng sabi ko wala lang akong magawa.

Yun nga napadaan ako dito sa blog ko at binasa ang mga post ko... may nakakatuwa, may masyadong madrama, meron ding sobrang trying hard.. ewan ko ba pero parte na rin siguro ng pangangailangang ipahiya ang sarili, ang pagiging conceited ng tao. Conceited in  a way na feeling merong gustong bumasa ng iniisip nya. feeling na merong interesado kung anong nangyayari sa kanya. Sa totoo naman wala naman talagang pakialam ang mga tao sa kanya. Kaya siguro tayo nagboblog. Or siguro dahil nga gaya ng sabi ko wala lang akong magawa.

Bakit ba ako nadidistract ng mga opinyon ko. ang gusto ko lang naman isulat ay binasa ko nga ang blog ko at napunang paboring ng paboring ang mga entry ko.. wala ng kwenta yung iba.. buti na lang walang nagbabasa dito. kung meron man hindi ko kilala. pero yun nga napansin ko lang na sobrang naging boring na ng blog ko. hindi ko sinasabing hindi sya boring dati, naging mas boring ang ibig kong sabihin. parang wala ng kakwenta kwenta... isa pang napuna ko hindi ako kuntento (parang may bago dun)... dati yung mga entry ko reklamo dahil wala akong trabaho.. ngyon puro reklamo dahil burat na akong magtrabaho... nakakatuwa. Ginagawa ko lang tanga ang sarili ko... gaya nitong post na to... sobrang labo... hindi ko alam ang dahilan bakit kailangan kong magsulat na parang baliw... hindi kaya baliw na ako??? or gaya nga ng sabi ko wala lang akong magawa

Posted by jondoromal at 02:39 AM | 2 ang pumalag

October 18th, 2008

ano na nga bang nangyari?

Steady... yan ang salitang pinakada best na magdedescribe sa kin ngayong mga nagdaang araw. ewan ko ba bakit parang zombie akong naka auto pilot na nabubuhay, sa mga nakakakilala sakin marahil hindi na bago to, lagi naman yata ako tlgang ganito. parang laging nsa trance. pakiramdam ko magkaiba ang personality ng utak ko at katawan. kung posible man yun. Sobrang daming nangyayari sa buhay ko, parang isang taon mahigit ang lumipas nitong mga nagdaang linggo. Pero ewan ko ba bakit napakasteady ko pa rin, steading steady. hindi ko alam kung masama ba yung ganun, pero yun ang napansin ko sa sarili ko. Kahit gaano siguro katuliro ang isip ko hindi pa rin makikita sa panlabas kung anyo. Parang hindi ako marunong magpakita ng emosyon, Kung may mga oras man na lumabas yung mga nararamdaman ko sobrang buhos at sobrang dalang lang. Hindi ko alam kung kaabnormalan ba yun. Ewan ko ba. Pero tuliro nga ako ngayon dahil sa sobrang daming nangyayari sa akin. Malapit ng manganak si kat, Wala pa rin kaming solid na plano, parang asa na lang na magwowork out lahat, pero sana nga ganun. Medyo handa naman ata kami... medyo may ipon ako kaso mababawasan naman dahil trahedyang nangyari sa pamilya namin. Sumakabilang buhay ang ama... ang hirap isiping hindi man lang ako nakapagpaalam sa bangkay nya.... sobrang lapit ng loob ko sa taong yun. pero sobrang alanganin talga, kaya hanggang ngayon nginangat ngat pa rin ako ng konsensya ko.. Buti medyo tanggap ko na yung mga nangyari, pero hindi pa rin ako nakakaiyak sana isang araw pumatak ang mga luhang para sa lolo ko. Kailangan ko rin nga pala ng bagong trabaho, kasi kailangan sakto ang oras namin ni kat para may tumingin sa bata... kaya iiwan ko ang trabaho ko. at base sa mga naranasan ko hindi magiging madali makahanap ng bagon raket, tsaka sayang dahil maganda na yung kinikita ko sana. pero wala eh kailangan magiba talaga.... Iniisip ko rin kung paano ako makakapagsimulang magaral ulit, gusto ko na tlagang magsimula, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung ano tlga gusto kong gawin sa buhay. Kailangan ko na ring ihanda yung nursery para sa anak ko.. bukas ko sisimulan... gastos,bills,pangarap,sariling ambisyon,kinabukasan yan ang mga regular na tambay sa utak ko. walang tigil araw gabi, parang mga lamok na bumubulong sa tenga mo habang pilit mong sinusubukang matulog... nakakainis... nakakabaliw... gusto kong sumigaw hanggang sumabog ang ulo ko... Pero eto ako ngayon, steady, tahimik na nagiisip, sound trip, tapos mamaya maglalaro na naman ng diablo, steady,steading steady...

Posted by jondoromal at 02:46 AM | cge ikaw naman!!

« Newer | »

My Categories

My Links:



Site powered by Tabulas.