ano na nga bang nangyari?
Steady... yan ang salitang pinakada best na magdedescribe sa kin ngayong mga nagdaang araw. ewan ko ba bakit parang zombie akong naka auto pilot na nabubuhay, sa mga nakakakilala sakin marahil hindi na bago to, lagi naman yata ako tlgang ganito. parang laging nsa trance. pakiramdam ko magkaiba ang personality ng utak ko at katawan. kung posible man yun. Sobrang daming nangyayari sa buhay ko, parang isang taon mahigit ang lumipas nitong mga nagdaang linggo. Pero ewan ko ba bakit napakasteady ko pa rin, steading steady. hindi ko alam kung masama ba yung ganun, pero yun ang napansin ko sa sarili ko. Kahit gaano siguro katuliro ang isip ko hindi pa rin makikita sa panlabas kung anyo. Parang hindi ako marunong magpakita ng emosyon, Kung may mga oras man na lumabas yung mga nararamdaman ko sobrang buhos at sobrang dalang lang. Hindi ko alam kung kaabnormalan ba yun. Ewan ko ba. Pero tuliro nga ako ngayon dahil sa sobrang daming nangyayari sa akin. Malapit ng manganak si kat, Wala pa rin kaming solid na plano, parang asa na lang na magwowork out lahat, pero sana nga ganun. Medyo handa naman ata kami... medyo may ipon ako kaso mababawasan naman dahil trahedyang nangyari sa pamilya namin. Sumakabilang buhay ang ama... ang hirap isiping hindi man lang ako nakapagpaalam sa bangkay nya.... sobrang lapit ng loob ko sa taong yun. pero sobrang alanganin talga, kaya hanggang ngayon nginangat ngat pa rin ako ng konsensya ko.. Buti medyo tanggap ko na yung mga nangyari, pero hindi pa rin ako nakakaiyak sana isang araw pumatak ang mga luhang para sa lolo ko. Kailangan ko rin nga pala ng bagong trabaho, kasi kailangan sakto ang oras namin ni kat para may tumingin sa bata... kaya iiwan ko ang trabaho ko. at base sa mga naranasan ko hindi magiging madali makahanap ng bagon raket, tsaka sayang dahil maganda na yung kinikita ko sana. pero wala eh kailangan magiba talaga.... Iniisip ko rin kung paano ako makakapagsimulang magaral ulit, gusto ko na tlagang magsimula, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung ano tlga gusto kong gawin sa buhay. Kailangan ko na ring ihanda yung nursery para sa anak ko.. bukas ko sisimulan... gastos,bills,pangarap,sariling ambisyon,kinabukasan yan ang mga regular na tambay sa utak ko. walang tigil araw gabi, parang mga lamok na bumubulong sa tenga mo habang pilit mong sinusubukang matulog... nakakainis... nakakabaliw... gusto kong sumigaw hanggang sumabog ang ulo ko... Pero eto ako ngayon, steady, tahimik na nagiisip, sound trip, tapos mamaya maglalaro na naman ng diablo, steady,steading steady...
Posted by jondoromal at 02:46 AM | cge ikaw naman!!