Oh ang tao nga naman....
Wala akong magawa... ilang oras na akong nakatambay dito sa internet... burat pa rin ako. Kaya naisipan kong bisitahin ang aking blog. Nakakatuwang isipin na merong parte ng utak kong pakalat kalat na nakalutang sa cyberworld. Halos lahat ata ng tao ngayon merong sariling mundo sa internet. Siguro parte lang to ng pangangailangan ng taong makipagusap, o baka naman talagang kailangan lang ng taong makapaglabas ng nararamdaman minsan. Kung iisipin matagal ng nauso ang diary, pero ngayon lang nausong ipangalandakan sa buong mundo ang bwat detalye sa buhay. Nawala na ang mystic ng diary, kasi ngayon anytime pwede kang pumunta online at basahin ang buhay ng isang taong hindi mo man lang kilala. Hindi lang yun pwede ka pa magcomment. Hindi ko naman sinasabing masama to, pero kung iisipin mo, medyo nakakahiya na rin minsan. Hindi ako nagsesermon at nagmamalinis dahil eto ako at nagtatype ng iniisip ko ngayon.. gaya nga ng sabi ko wala lang akong magawa.
Yun nga napadaan ako dito sa blog ko at binasa ang mga post ko... may nakakatuwa, may masyadong madrama, meron ding sobrang trying hard.. ewan ko ba pero parte na rin siguro ng pangangailangang ipahiya ang sarili, ang pagiging conceited ng tao. Conceited in a way na feeling merong gustong bumasa ng iniisip nya. feeling na merong interesado kung anong nangyayari sa kanya. Sa totoo naman wala naman talagang pakialam ang mga tao sa kanya. Kaya siguro tayo nagboblog. Or siguro dahil nga gaya ng sabi ko wala lang akong magawa.
Bakit ba ako nadidistract ng mga opinyon ko. ang gusto ko lang naman isulat ay binasa ko nga ang blog ko at napunang paboring ng paboring ang mga entry ko.. wala ng kwenta yung iba.. buti na lang walang nagbabasa dito. kung meron man hindi ko kilala. pero yun nga napansin ko lang na sobrang naging boring na ng blog ko. hindi ko sinasabing hindi sya boring dati, naging mas boring ang ibig kong sabihin. parang wala ng kakwenta kwenta... isa pang napuna ko hindi ako kuntento (parang may bago dun)... dati yung mga entry ko reklamo dahil wala akong trabaho.. ngyon puro reklamo dahil burat na akong magtrabaho... nakakatuwa. Ginagawa ko lang tanga ang sarili ko... gaya nitong post na to... sobrang labo... hindi ko alam ang dahilan bakit kailangan kong magsulat na parang baliw... hindi kaya baliw na ako??? or gaya nga ng sabi ko wala lang akong magawa
Posted by jondoromal at 02:39 AM | 2 ang pumalag
subtlebliss

"Siguro parte lang to ng pangangailangan ng taong makipagusap, o baka naman talagang kailangan lang ng taong makapaglabas ng nararamdaman minsan."
totoo rin toh
"ewan ko ba pero parte na rin siguro ng pangangailangang ipahiya ang sarili, ang pagiging conceited ng tao. Conceited in a way na feeling merong gustong bumasa ng iniisip nya. feeling na merong interesado kung anong nangyayari sa kanya. Sa totoo naman wala naman talagang pakialam ang mga tao sa kanya. Kaya siguro tayo nagboblog."
may sense yung entry mo. at hindi ka baliw :-) natuwa ako basahin.
jondoromal
